Sa Kuwento Natin II – ANG HUKUMAN NI SINUKUAN

ANG HUKUMAN NI SINUKUAN

Pinaniniwalaan na ang misteryosong Bundok Arayat sa lalawigan ng Pampanga ay punô ng mga alamat. Ito raw ay tahanan ng diwatang si “Mariang Sinukùan” na siyáng nagpoprotekta sa lahat ng uri ng halaman at hayop ng kabundukan. Upang mapanatili ang kaayusan, sinasabi na may hukuman si Mariang Sinukuan at sa hukumang ito nililitis ang mga nagkasálang hayop, ibon, o kulisap.

Ang Hukuman ni Sinukùan
 ay muling-isinalaysay ni NA Virgilio S. Almario, at bibigyang-búhay ng kuwentistang si Liway Gabo at ng mga ilustrasyon ni Fran Alvarez, sa direksiyon ni Malcolm A. Velazco.

Mapapanood na ngayong Setyembre 4 sa Sentro Rizal YouTube Channel!